Na-excite ang fans ng dalawang queens ng kanilang henerasyon na sina Nadine Lustre at Kathryn Bernardo dahil tila magsasama sila sa isang proyekto.
Nagbigay ng patikim tungkol dito ang ABS-CBN at Star Magic kung saan makikitang nakapaskil sa pintuan ng isang taping tent ang pangalan nilang dalawa.
Matatandaang kamakailan lamang ay nagkasama na ang dalawa sa cover ng isang magazine.
Excited na ang mga netizen kung pelikula o teleserye ba ito.
"hindi n kailangan ng boys"
"KathDine is happening!"
"Sana action film nmn po Yung parang so close"
"Baka remake nila ung Tbird at Ako nila Nora and Vilma."
"THE WORLD IS HEALINGGGGG"
"My two Queens in one frame"
"what is thisssss!!!!? omg!!!!!!!"
Matatandaang noong 2015 ay nagkasama na sina Nadine at Kathryn sa ABS-CBN noong hindi pa nabubuwag ang tatlong pinakasikat na Kapamilya love teams: ang JaDine (James Reid at Nadine Lustre), LizQuen (Liza Soberano at Enrique Gil), at KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla) pero never pa sila nagkasama sa isang proyekto together sa kanilang solo era.