Winelcome ng tambalang Isko Moreno Domagoso at Chi Atienza si senatorial aspirant Camille Villar sa isang campaign caucus nila sa Maynila.
Sa isang Facebook post nitong Martes, Mayo 6, ibinahagi ng Yorme's Choice, partido ni Isko, ang isang larawan kung saan itinaas nila ang kamay ni Villar.
"Dumating si Alyansa para sa Bagong Pilipinas senatorial candidate Camille Villar sa ginanap na caucus ng tambalang Isko-Chi at ng buong Yorme's Choice sa District Singko," saad sa caption.
Si Villar ay tumatakbo sa ilalim ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas ni Pangulong Bongbong Marcos, at iniendorso rin siya ni Vice President Sara Duterte.
MAKI-BALITA: Camille Villar, nakipag-fist bump kay VP Sara: 'Walang iwanan'