May 06, 2025

Home BALITA Eleksyon

'DuterTEN' magsasagawa ng miting de avance sa Maynila

'DuterTEN' magsasagawa ng miting de avance sa Maynila
PDP Laban/FB

Ilang araw bago ang eleksyon 2025, magsasagawa ng miting de avance ang "DuterTEN" sa Maynila. 

Ang DuterTEn, sa ilalim ng PDP-LABAN, ay binubuo nina Jimmy Bondoc, Bato Dela Rosa, Bong Go, Jayvee Hinlo, Raul Lambino, Dante Marcoleta, Doc Marites Mata, Apollo Quiboloy, Vic Rodriguez, at Philip Salvador.

Ang naturang meeting de avance ay isasagawa sa Liwasang Bonifacio sa Maynila sa Huwebes, Mayo 8, 2025. 

"Ipadama ang galit at hagupit! Magkita-kita tayo sa Liwasang Bonifacio sa Mayo 8 para sa isang makasaysayang pagtitipon. Buong lakas nating suportahan ang DuterTen!" saad ng PDP-Laban sa isang Facebook post nitong Martes, Mayo 6. 

Eleksyon

Jimmy Bondoc, nagpasalamat kay Sen. Alan Peter Cayetano: 'Tumindig siya para sa akin!'

Ang DuterTEN ay suportado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Sara Duterte.