Isinailalim sa “state of calamity” ang walong bayan at siyudad sa Albay bunsod ng patuloy na pag-alburuto ng bulkang Mayon.
Matatandaang nagsimula ang pagbuga ng Mayon ng pyroclastic density current (PDC) o uson at abo noong Sabado, Mayo 2.
Kabilang sa mga nasa state of calamity ay ang mga sumusunod: Tabaco, Legazpi, Ligao, Camalig, Malilipot, Sto. Domingo, Daraga, at Guinobatan, batay sa resolusyong inaprubahan ng lalawigan.
Patuloy ang abiso sa mga residente na magsuot ng face mask upang maiwasan ang hindi magandang epekto ng abo mula sa bulkan; ngunit kung maaari, manatili na lamang sa loob ng tahanan o evacuation center.
Patuloy din ang pamamahagi ng tulong para sa mga apektadong residente.