June 08, 2025

Home BALITA National

'Depektibong' bollards sa NAIA na-install sa panahon ng dating admin—Castro

'Depektibong' bollards sa NAIA na-install sa panahon ng dating admin—Castro
Photo courtesy: Screenshot from RTVM/MB File Photo

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro na paiimbestigahan na ng Malacañang ang umano'y substandard na bollards sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, na nawasak matapos salpukin ng SUV na kumitil naman sa buhay ng dalawang indibidwal, na isang 5-anyos na batang babae at anak ng OFW, at isang 29-anyos na lalaking pupunta lamang sa Dubai para sa isang business meeting.

KAUGNAY NA BALITA: 'Maghahatid lang:' Ama ng nasawing bata sa NAIA, OFW na paalis na ng bansa

Sa isinagawang press briefing, Martes, Mayo 6, sinabi ni Castro na ang nabanggit na bollards ay na-install sa NAIA noong 2019, sa panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, at panahon ng pagiging kalihim ng Department of Transportation (DOTr) na si Arthur Tugade.

"Nakakalungkot po, may mga nasawi, dahil sa diumano'y depektibo na bollards na na-install po sa NAIA Terminal 1. Ito po ay na-install sa panahon po ng dating administrasyon, at sa panahon po ni dating Transportation Secretary Arthur Tugade," ani Castro.

National

Orange warning, itinaas sa Metro Manila, mga kalapit na lugar

"Ngayon po'y pinaiimbestigahan, ito po'y July 2019 nang ma-install ang mga ito. Pinaiimbestigahan na po papaano po ang naging procurement, pati 'yong specifications. Iyon po ay sa pag-uutos po ng Pangulo, at ito po ay tutugunan kaagad-agad ni Secretary Vince Dizon."

Bukod dito ay iinspeksyunin din ang bollards at mabilisang papalitan para sa kaligtasan ng nakararami.

BASAHIN: ALAMIN: Ano ang silbi ng ‘bollards’ at paano nito pinipigilan ang aksidente?