May 21, 2025

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: Ano ang silbi ng ‘bollards’ at paano nito pinipigilan ang aksidente?

ALAMIN: Ano ang silbi ng ‘bollards’ at paano nito pinipigilan ang aksidente?
Photo courtesy: Manila Bulletin and Pexels

Gumawa ng ingay sa social media ang pagkawasak ng “bollards” sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 matapos ang malagim na aksidente ng pag-araro ng isang SUV sa ilang mga pasahero at nagresulta ng pagkasawi ng dalawang biktima. 

KAUGNAY NA BALITA: SUV, inararo departure entrance sa NAIA; driver, timbog!

Naging laman ng bawat comment section ang tila palpak daw na installation ng bollards sa NAIA departure area, na maaari sanang pumigil sa naturang aksidente. 

Ngunit, ano nga ba ang bollards at bakit maraming nagsasabing isa ito sa mga bagay na makakapagbigay-proteksyon sa mga uri ng aksidenteng kinasasangkutan ng mga sasakyan?

Human-Interest

Nakaya pa! 70-anyos na senior citizen, nakaakyat sa Mt. Apo

KAUGNAY NA BALITA: Bollard sa NAIA, pinutakti ng netizen: 'Corruption kills!'

Malimit makita ang bollards sa pagitan ng parking lots at sidewalks sa mga establisyemento at pampublikong lugar. Lingid sa kaalaman ng iba, ang bollards ay hindi lamang isang palamuti. Ayon sa mga eksperto, ang bollard ay inilalagay bilang barikada sa mga parking lot at sidewalks ng pedestrian upang magsilbing proteksyon sa aksidente. Kung tama at maayos ang pagkakakabit nito sa lupa, maaari nitong mapigilan ang pagsalpok ng isang sasakyan.

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Christian Patrick Morales isang registered civil engineer, nilinaw niyang bagama’t hindi masasabing mali o palpak ang pagkakakabit ng mga bollards sa NAIA, hindi naman daw ito sapat upang pigilan ang malalakas na pagtama ng isang rumaragasang sasakyan.

“We can’t say agad na mali yung design ng bolard na installed sa NAIA, dahil all of the designs are all according to the plans which are approved and also undergo [to] structural analysis,” ani Morales.

Dagdag pa niya, “Probably the design of the bollard can only resist the lower force and weight of the impact of the specific SUV in NAIA.”

Ano nga ba ang standard ng bollards?

Sa iba't ibang panig ng mundo, kalimitan nang sinusunod ang American Society for Testing and Materials (ASTM) kung saan ang tinatawag na ASTM F3016 kung saan itinatakda nito ang tamang kalidad ng bollards.

Ayon sa ASTM F3016, ang isang standard na bollards ay dapat may bigat na 5,000 pounds na kayang pigilin ang impact ng isang sasakyang may bilis na 10 hanggang 30 miles per hour.

Sa iba't ibang panig ng mundo, kalimitan nang sinusunod ang American Society for Testing and Materials (ASTM) kung saan ang tinatawag na ASTM F3016 kung saan itinatakda nito ang tamang kalidad ng bollards.

Ayon sa ASTM F3016, ang isang standard na bollards ay dapat may bigat na 5,000 pounds na kayang pigilin ang impact ng isang sasakyang may bilis na 10 hanggang 30 miles per hour.

Samantala, sa mga lugar namang katulad ng mga pampublikong terminal, ayon sa ASTM F2656, kinakailangang ang bollards ay heavy-duty steel na may diameter na 6 hanggang 8 meters ito na may lalim na 3 hanggang 5 feet.

Samantala, inirekomenda rin ni Engr. Morales ang imbestigasyon sa konstruksyon at instilasyon ng bollards dahil sa posible rin umanong kapabayaan dito.

“We need to investigate din yung installation and construction mismo no’ng bollard. Minsan kahit na as per standard ang plan at design ng lahat, sa mismong paggawa nagkakaproblema lalo na kung na-overlook o hindi nabantayan ng engineers yung mga materials na ginamit or yung mismong installation doon sa area,” aniya. 

Sa kasalukuyan, patuloy ang imbestigasyon sa naturang aksidente, na ayon sa karamihan, ay maiiwasan sana kung responsable ang lahat ng mga may hawak ng manibela at kung hindi rin umano binarat at tinipid ang mga konstruksyong makakapagbigay ng proteksyon sa taumbayan.