May 06, 2025

Home BALITA National

19 lugar sa PH, makararanas ng ‘dangerous’ heat index sa Mayo 7

19 lugar sa PH, makararanas ng ‘dangerous’ heat index sa Mayo 7
Courtesy: Unsplash

Inaasahang aabot sa “danger” level ang heat index sa 19 lugar sa bansa bukas ng Miyerkules, Mayo 7, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA dakong 5:00 ng hapon nitong Martes, Mayo 6, inaasahang aabot sa danger level ang heat index sa mga sumusunod na lugar bukas:

44°C - Tuguegarao City, Cagayan

44°C - Sangley Point, Cavite City, Cavite

National

Banat ni VP Sara: PBBM admin, tuloy pamumulitika hangga't 'di siya 'makulong o mapatay'

43°C - Dagupan City, Pangasinan

43°C - ISU Echague, Isabela

43°C - San Ildefonso, Bulacan

43°C - TAU Camiling, Tarlac

43°C - Alabat, Quezon

43°C - Cuyo, Palawan

42°C - NAIA Pasay City

42°C - Science Garden Quezon City

42°C - Bacnotan, La Union

42°C - Aparri, Cagayan

42°C - Baler, Aurora

42°C - Iba, Zambales

42°C - Hacienda Luisita, Tarlac City, Tarlac

42°C - NAS-UPLB, Los Baños, Laguna

42°C - Coron, Palawan

42°C - San Jose, Occidental Mindoro

42°C - Zamboanga City, Zamboanga del Sur

Paliwanag ng weather bureau, ang heat index ay tumutukoy sa pagsukat kung gaano kainit ang nararamdaman kapag ang “humidity” ay isinasama sa aktwal na temperatura ng hangin.

Maaaring malagay sa “danger” level ang mga heat index mula 42°C hanggang 51°C dahil posible rito ang “heat cramp” at “heat exhaustion.”

“Heat stroke is probable with continued activity,” saad pa ng ahensya.

BASAHIN: Explainer: Ano ang ibig sabihin kung mataas ang ‘heat index’ sa isang lugar?