June 07, 2025

Home BALITA Eleksyon

Pag-endorso ni Vice Ganda, malaking bagay para kay Benhur Abalos

Pag-endorso ni Vice Ganda, malaking bagay para kay Benhur Abalos
Courtesy: Benhur Abalos; Vice Ganda/FB

Ipinahayag ni senatorial candidate Benhur Abalos na malaking bagay para sa kaniya ang suporta ni Unkabogable Star Vice Ganda dahil sa metikuloso raw ito at hindi basta-basta nag-eendorso ng kandidato.

Matatandaang noong Sabado, Mayo 3, nang ihayag ni Vice ang kaniyang pagsuporta kay Abalos sa pamamagitan ng isang maikling video na inilabas sa kaniyang opisyal na Facebook page.

“Kesa naman ‘yong mga walang kuwenta ang pumasok sa Top 12, dito na ako #1 Abalos, Benhur,” saad sa caption ng Facebook post ni Vice.

MAKI-BALITA: Vice Ganda, suportado kandidatura ni Benhur Abalos

Eleksyon

SOCE, ipasa na! — Comelec

Ibinahagi naman ni Abalos ang kaniyang pagkatuwa sa pag-endorso ni Vice sa isang panayam nito Lunes, Mayo 5.

“Ang laking bagay na endorsement yun. Kasi we are in the last six days eh,” ani Abalos.

“And Vice Ganda has so many followers, alam naman natin dati yun, at isang taong metikuloso. Hindi siya basta-basta nage-endorse, talagang pinipili niya,” saad pa niya.

Kasama si Abalos sa senatorial slate ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. 

Nakatakda namang isagawa ang 2025 midterm elections sa Mayo 12, 2025.