May 05, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Anne Curtis nag-react sa vehicle accidents, 'wake up call' sa kinauukulan

Anne Curtis nag-react sa vehicle accidents, 'wake up call' sa kinauukulan
Photo courtesy: via Balita/Anne Curtis (IG)

Naglabas ng saloobin ang Kapamilya star at "It's Showtime" host na si Anne Curtis hinggil sa sunod-sunod na vehicular accidents na kumitil ng buhay ng mga tao, lalo na ng mga bata.

Una na rito ang naganap ng mga sasakyan sa SCTEX na ikinamatay ng mga biktima, lalo na ang kuwento ng isang dalawang taong gulang na batang nakaligtas subalit maagang naulila sa mga magulang.

MAKI-BALITA: Netizens, nag-aalala sa 2 taong gulang na naulila ng mag-asawa sa karambola sa SCTEX

At ang latest, ang limang taong gulang na batang babae na namatay sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 matapos araruhin ng isang SUV, dahil daw sa pagkataranta.

Tsika at Intriga

Kira Balinger, nabastusan nga ba kay Faith Da Silva?

MAKI-BALITA: 'Anak ko 'yan!' Pagtangis ng ama ng batang nasalpok ng SUV sa NAIA, dumurog sa puso

Anang Anne, sana raw ay maging "wake up call" na ito sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO) na mas maging mahigpit sa mga driver at sasakyan pagdating sa "highest safety and licensing standards."

"Seeing so many vehicle accidents on the news with lives tragically taken."

"So many young lives being taken away so soon."

"I truly pray and hope this is a wake up call for those in the DTO and LTO to find ways to ensure that drivers and vehicles on the roads meet the highest safety and licensing standards."

"My heart goes out to all those left to grieve for their parents, significant other, family member and their children," aniya sa kaniyang Facebook page.