Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Sabado, Mayo 3, na ang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) at easterlies ang kasalukuyang nakaaapekto sa bansa.
Base sa ulat ng PAGASA dakong 5:00 ng umaga, inihayag ni weather specialist Obet Badrina na huling namataan ang LPA 135 kilometro ang layo sa silangan ng Surigao City, Surigao del Norte.
Nananatili naman daw mababa ang tsansang maging bayo ang LPA.
Gayunpaman, inaasahang magdadala ang LPA ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na mga pag-ulan at thunderstorms sa Visayas, Mindanao, Bicol Region, MIMAROPA, Quezon, at Batangas.
Pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente sa mga nasabing lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.
Samantala, inaasahang magdudulot ang easterlies, ang mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko, ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng Luzon.
Posible rin ang pagbaha o pagguho ng lupa sa naturang mga lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms, ayon sa weather bureau.
Sa kasalukuyan ay wala namang binabantayan ang PAGASA na bagyo o low pressure area (LPA) sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).