May 30, 2025

Home BALITA National

Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol

Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol
Courtesy: Phivolcs/website

Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Sabado ng madaling araw, Mayo 3, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Base sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 1:07 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 356 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Sarangani Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 33 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

Grupo ng mga guro, tinutulan reporma sa GE subjects

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.