May 03, 2025

Home SHOWBIZ Events

Ahtisa Manalo, wagi sa Miss Universe Philippines 2025!

Ahtisa Manalo, wagi sa Miss Universe Philippines 2025!
photo courtesy: Miss Universe Philippines/FB

Itinanghal bilang bagong Miss Universe Philippines ang pambato ng Quezon Province na si Ahtisa Manalo nitong Biyernes ng gabi, Mayo 2.

Tinalo ni Manalo ang 65 iba pang mga kandidata sa MUPH at kinoronahan ni Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Manalo.

Bago koronahan bilang bagong MUPH, naging usap-usapan ang pagkadapa ni Manalo sa pageant stage na ginanap sa Mall of Asia Arena, Pasay City. 

Ngunit hindi iyon naging hadlang para hindi masungkit ang korona.

Events

Ahtisa Manalo, nadapa habang rumarampa sa MUPH stage

BASAHIN: Ahtisa Manalo, nadapa habang rumarampa sa MUPH stage

Samantala, narito ang winning answer ni Manalo sa tanong na: "They say that a good leader leads by example. Tell us about one event in your life when you led by example and the impact it made."

"I fell a while ago on stage. And the thing with me is, whenever I fall in life, I always make sure I come back stronger. Last year, I was here on this stage. And for the second time this year, I’m here putting everything on the stage to be Miss Universe Philippines, because this is mine and my grandmother’s shared dream. And she passed away early this year. And this is my ode to her."

Dahil sa kaniyang pagkapanalo, si Manalo ang magiging pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2025 na gaganapin sa Nobyembre 2025 sa Impact Muong Thong Thani Arena sa Bangkok, Thailand.

Sa kasaysayan ng Pilipinas, apat na Pilipina pa lamang ang nakasungkit ng korona ng Miss Universe. Ito'y sina Gloria Diaz (1969), Margie Moran (1973), Pia Wurtzbach (2015), at Catriona Gray (2018).

Congratulations and good luck, Ahtisa!