May 03, 2025

Home BALITA

Kitty Duterte sa kalusugan ni FPRRD: 'He's in good shape'

Kitty Duterte sa kalusugan ni FPRRD: 'He's in good shape'
Photo Courtesy: Kitty Duterte (IG), via MB

Ibinahagi ni Kitty Duterte ang kalagayan ng kalusugan ng ama niyang si dating Pangulong Rodrigo Duterte na kasalukuyang nakapiit sa The Hague, Netherlands.

Sa isang Instagram story ni Kitty nitong Biyernes, Mayo 2, makikita ang screenshot ng conversation nila ng isang netizen na nangumusta sa dating pangulo.

"Physically speaking he is in good shape - especially for an 80 year old with as many organic issue as he has," sagot ni Kitty sa nagtanong.

Dagdag pa niya, "Mentally speaking, he struggles a bit from time to time.”

Eleksyon

Mga kandidatong artista, di sinusuportahan ng kapwa artista dahil pangit ang ugali, sey ni Ogie Diaz

Matatandaang higit isang buwan na simula nang arestuhin ng International Criminal Court (ICC) si Duterte at dinala patungong The Hague dahil sa kasong crimes against humanity.

MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte, inaresto alinsunod sa commitment ng 'Pinas sa Interpol—PBBM

Nakatakda ganapin ang confirmation of charges para sa dating pangulo sa Setyembre 23, 2025.

MAKI-BALITA: Confirmation of charges hearing para kay FPRRD, itinakda ng ICC sa Sept. 23, 2025