Inaasahang aabot sa “danger” level ang heat index sa 19 lugar sa bansa bukas ng Sabado, Mayo 3, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa tala ng PAGASA dakong 5:00 ng hapon nitong Biyernes, Mayo 2, inaasahang aabot sa danger level ang heat index sa mga sumusunod na lugar bukas:
44°C - Baler, Aurora
44°C - Iba, Zambales
44°C - Sangley Point, Cavite City, Cavite
44°C - Infanta, Quezon
43°C - NAIA, Pasay City, Metro Manila
43°C - Dagupan City, Pangasinan
43°C - ISU, Echague, Isabela
43°C - Cubi Pt., Olongapo City, Zambales
42°C - Science Garden, Quezon City, Metro Manila
42°C - Laoag City, Ilocos Norte
42°C - Bacnotan, La Union
42°C - Tuguegarao City, Cagayan
42°C - CLSU, Science City of Muñoz, Nueva Ecija
42°C - TAU, Camiling, Tarlac
42°C - Hacienda Luisita, Tarlac City, Tarlac
42°C - Ambulong, Tanauan, Batangas
42°C - Alabat, Quezon
42°C - San Jose, Occidental Mindoro
42°C - Cuyo, Palawan
Paliwanag ng weather bureau, ang heat index ay tumutukoy sa pagsukat kung gaano kainit ang nararamdaman kapag ang “humidity” ay isinasama sa aktwal na temperatura ng hangin.
Maaaring malagay sa “danger” level ang mga heat index mula 42°C hanggang 51°C dahil posible rito ang “heat cramp” at “heat exhaustion.”
“Heat stroke is probable with continued activity,” saad pa ng ahensya.
BASAHIN: Explainer: Ano ang ibig sabihin kung mataas ang ‘heat index’ sa isang lugar?