May 01, 2025

Home SHOWBIZ Pelikula

'Mananapak na!' Claudine Barretto, gaganap bilang 'Inday Sara?'

'Mananapak na!' Claudine Barretto, gaganap bilang 'Inday Sara?'
Photo courtesy: Claudine Barretto (IG)/Inday Sara Duterte (FB)

Usap-usapan ng mga netizen ang ibinahaging screenshot ng direktor na si Darryl Yap, kung saan makikita ang kumbersasyon nila ni Optimum Star Claudine Barretto, na tinanong niya kung handa ba itong maging "Inday Sara."

Mababasa sa palitan nila ng mensahe, "clau!!! ready ka bang maging si INDAY SARA?!"

Makikitang tumugon naman dito si Claudine.

"OMG!!!! I'm crying thank you Direk"

Pelikula

'Beauty Contis' magkasama na sa Hanoi

"love and miss u!" sagot ng direktor.

"Luv u Direk can't wait to work with you," tugon pa ni Claudine.

Photo courtesy: D'Real Yap (FB)

Ibinahagi rin ito sa Facebook page na "VinCentiments."

Marami naman sa mga tagasuporta ni "Inday Sara" o ni Vice President Sara Duterte ang excited na sa proyektong pinag-usapan nina Direk Darryl at Claudine.