April 28, 2025

Home SHOWBIZ

Drew Arellano, 'nagpakapon' na

Drew Arellano, 'nagpakapon' na
photos courtesy: Drew Arellano/IG

Mukhang hindi na magkakaroon ng baby number 6 si Kapuso TV host Drew Arellano dahil sumailalim na siya sa vasectomy.

Sa isang Instagram post nitong Lunes, Abril 28, sinabi ni Drew na pa-mother's day gift na niya ito sa kaniyang asawa na si Iya Villania.

"Happy late and advanced Mother’s Day to my wife. #HappyVA-SEC-TO-MEEE," saad niya sa caption.

Matatandaang kapapanganak lamang ni Iya noong Pebrero sa kanilang baby number 5 na si Anya Love.

Tsika at Intriga

Cristine Reyes, Marco Gumabao finollow na ulit ang isa’t isa

Bukod kay Anya, ang mga anak ng mag-asawa ay sina Antonio Primo (2016), Alonzo Leon (2018), Alana Lauren (2020), at Astro Phoenix (2022).

Samantala, umani si Drew ng papuri sa mga netizens.

"Woo-hoo! sana all hubbies are open to vasectomy!"

"Normalize this!!! Happy for the husbands who choose to do this! Respect to you Drew"

"Grabe drew God bless your or. I salute you for sharing the pain with Iya! Sobrang hanga ako sayo. RESPECT!"

"Woooah!!! Good job, Drew!! The man that you are!!!"

"Thank you for being a great Man to your wife and a good example to others. You saved her from so many negative painful side effects of birth control. Selfless love"

"Okay na kahit tumagal pa byahe ni Drew"

Ayon sa National Institute of Child Health and Human Development, ang vasectomy ay isang uri ng permanenteng birth control sa mga lalaki. 

Isinagawa ito sa pamamagitan ng isang surgical procedure kung saan pinuputol at tinatakpan ang tubo sa ari ng lalaki na naglalaman ng kanilang semilya.