April 28, 2025

Home BALITA Metro

2 nabubulok na bangkay, natagpuan sa Rizal

2 nabubulok na bangkay, natagpuan sa Rizal
photo courtesy: Silangan PIO

Natagpuan ang dalawang nabubulok na bangkay sa liblib na lugar sa Rizal noong Biyernes, Abril 25, 2025.

Ibinahagi ng Barangay Silangan, San Mateo Rizal Public Information Office sa isang social media post noong Biyernes na natagpuan ng mga awtoridad ang dalawang bangkay.

Natagpuan ang nabubulok na bangkay ng dalawang lalaki na may edad na 52 at 37 anyos sa liblib na bahagi ng Barangay Silangan, San Mateo at Barangay Cubang, Antipolo sa Rizal.

Sa ulat ng San Mateo Police, ibinahagi nila na bandang alas-4:00 ng hapon nang matagpuan ng isang concerned citizen ang dalawang bangkay na may masangsang na amoy at nabubulok na.

Metro

K9 units, balak ipalit sa mga X-ray machines sa LRT, MRT—DOTr

Samantala, ayon sa ulat ng ABS-CBN News, nakilala na ng mga awtoridad ang dalawang bangkay na pawang taga-Antipolo City. Ang isang biktima ay isang tricycle driver at ang isang biktima naman ay kasa-kasama lamang daw ng driver.

Gayunpaman, patuloy ang imbestigasyon ng PNP para malaman ang motibo sa krimen at pagkakaaresto ng mga salarin.