April 28, 2025

Home BALITA National

PBBM, nagpaliwanag kung bakit dumalo sa libing ni Pope Francis

PBBM, nagpaliwanag kung bakit dumalo sa libing ni Pope Francis
Photo courtesy: Bongbong Marcos (FB)

Ibinahagi ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. ang dahilan kung bakit siya dumalo sa libing ni Pope Francis, Sabado, Abril 26, na ginanap sa St. Pete's Square sa Vatican City.

Kasama ni PBBM ang kaniyang asawa at Unang Ginang na si First Lady Liza Araneta-Marcos.

Paliwanag ni PBBM, hindi lamang siya nagpunta sa libing bilang Pangulo ng Pilipinas kundi bilang isang Pilipinong nagpapakita ng paggalang.

"Dumalo ako sa libing ni Pope Francis bilang pagtanaw ng taos-pusong paggalang — mula sa isang bayang matatag sa pananampalataya, para sa isang Santo Papa na humaplos sa puso ng milyon-milyon," aniya sa kaniyang Facebook post

National

PCO, kinumpirmang sina PBBM, FL Liza sumagot sa hospital bills ni Nora Aunor

"Nakiisa ako, hindi lang bilang Pangulo, kundi bilang isang Pilipino — dala ang dasal at pag-asa ng bawat kababayan nating nais sanang makadalo at makapagpasalamat."

"Isang taos-pusong pagpupugay mula sa sambayanang Pilipino para sa isang Santo Papa na kumalinga at nagbigay-tinig sa mga hindi napapakinggan," dagdag pa niya.

KAUGNAY NA BALITA: PBBM sa pagpanaw ni Pope Francis: 'It is a profoundly sad day'