Pinag-usapan sa social media platforms ang ilang kumalat na clips mula sa "Pinoy Big Brother celebrity Collab Edition" kung saan makikitang tila nakatanggap ng punishment ang Kapuso housemate dahil daw sa pagbibigay ng ilang detalye kaugnay ng "outside world."
Matatandaang pinakahuling pumasok bilang celebrity housemate si Shuvee ka-duo ang dating Kapamilya child star na si Xyriel Manabat.
Isang netizen pa nga ang hindi napigilang mag-alala at napamura pa para kay Shuvee matapos kumalat na "nabibilad daw sa initan" sa activity area ang Kapuso artist-social media personality dahil sa execution ng kaniyang punishment.
Katwiran ng mga netizen, sana raw ay naikonsidera ding may posibilidad na magkasakit si Shuvee dahil sa matinding heat index na nararanasan sa National Capital Region, lalo't kagagaling lang niya sa dysmenorrhea.
Bagay na pinalagan naman ng PBB host na si Bianca Gonzalez at sinabing puwede namang maglabas ng mga constructive criticism subalit hindi na kailangang magmura.
Samantala, health concern naman ang iniisip ng mga netizen para kay Shuvee dahil puwede raw mauwi sa heat stroke kung magtatagal itong nakababad o nakabilad sa initan.
Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:
"Of course Bianca will protect PBB kahit baluktot at evident ang misogyny. Kagagaling lang ng dysmenorrhea ni shuvee yet hinayaan nyo sya mabilag sa labas na ang taas ng heat index. While river has been saying green jokes. Dahil alam nyo na matutuwa mga tao?"
"Oo nga naman. Huwag puro mura guys. Sabihin nang maayos ang mga sentiment. Sa kabilang banda, bakit nga ba ganoon ang ipinagawa kay Shuvee? Paano 'pag na-heat stroke 'yan?"
"Bianca Gonzales out here defending 'Kuya' - a made up patriarchal figure for being cursed at rather than clarifying that Shuvee is safe and her health not risked for her punishment. An official statement from PBB would end all speculation kesa nakikipag-away ka sa cvs"
"Mass report sa MTRCB!! This is basically inhumane treatment kay Shuvee!!"
"So bakit binilad si shuvee?? Can u explain that part? Alam nyo na sobrang init ngyon. Tpos ibibilad nyo?"
"Marami naman puwedeng punishment bakit kailangang sa initan pa? Sasagutin n'yo ba kung maheat stroke yan?"
Wala pang opisyal na pahayag ang pamunuan ng PBB tungkol dito. Bukas ang Balita sa kanilang panig.
KAUGNAY NA BALITA: Bianca Gonzalez pumalag sa netizen na minura si Kuya dahil kay Shuvee Etrata