April 27, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Lovelife ni Kris, peaceful ngayon sey ni Bimby

Lovelife ni Kris, peaceful ngayon sey ni Bimby
Photo Courtesy: Screenshot from Erin Diaz (YT)

Ibinahagi ni Bimby ang kasalukuyang estado ng lovelife ng nanay niyang si Queen of All Media Kris Aquino.

Sa latest episode kasi ng vlog ni Erin Diaz kamakailan, kinumusta ni showbiz insider Ogie Diaz ang buhay pag-ibig ng Queen of All Media. 

“Peaceful,” sabi ni Bimby. 

“Mas okay sa ‘yo?” tanong uli ni Ogie.

Relasyon at Hiwalayan

Sam Pinto, Gwen Zamora nalilito sa mister nilang kambal

Sagot ni Bimby, “Either or. Basta happy si Mama.”

Ayon kay Bimby, masaya raw ngayon si Kris sa kabila ng pagiging single. 

“Happy naman. Walang ‘Wow, I had a break up,’” aniya.

Pero hindi raw niya alam kung may manliligaw ngayon ang mommy niya matapos ang breakup nito sa jowang doktor kamakailan.

MAKI-BALITA: Kris Aquino, single na ulit!

Matatandaang inamin ni Kris ang tungkol sa relasyon nila ng naturang doktor nang kapanayamin siya ni Ogie sa vlog nitong “Ogie Diaz Inspires” noong Hunyo 2024.

MAKI-BALITA: Kris Aquino, may karelasyong doktor sa Pilipinas