Nakarating sa kaalaman ng DJ at social media personality na si Jellie Aw ang ispluk ng tinaguriang "Pambansang Lalaking Marites" na si Xian Gaza, na umano'y nagkabalikan na sila ng "nambugbog" na ex-boyfriend na si Jam Ignacio.
"BREAKING NEWS: Ex ni Karla Estrada at DJ na binugbog nito, nagkabalikan na!" saad ni Gaza sa isang Facebook post noong Abril 24.
"Rematch! Rematch! Rematch sa Japan! Syempre hindi aamin yan at sobrang nakakahiya," dagdag pa niya sa comment section.
Ni-reshare naman ni Jellie ang mismong Facebook post ni Xian at pasimpleng pinabulaanan ang chika.
"Ay tlga ba? wala na ba ma content?"
Wish naman ng mga netizen na sana raw, hindi na makipagbalikan si Jellie sa nabanggit na ex-boyfriend na sinabihan niyang sasampahan ng kaso, dahil baka maulit na naman daw ang pananakit sa kaniya.
KAUGNAY NA BALITA: Jam Ignacio at 'binugbog' niyang si Jellie Aw, nagkabalikan daw?