Dumating na ang first couple na sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos sa Rome para sa libing ni Pope Francis.
Nitong Biyernes, Abril 25, nang makarating sa Roma ang first couple.
Sa panayam naman sa kanila ng GMA News, naluha si FL Liza nang ibahagi niya ang kaniyang naging karanasan nang minsan daw niyang makasama si Pope Francis.
“Me, when I met him, he was humble and kind, and you'll feel you're blessed by God," saad ng Unang Ginang.
Kamakailan lamang ay nagpahayag din ng pagbibigay-pugay si FL Liza kay Pope Francis kung saan nagbahagi siya ng larawan kasama ito.
MAKI-BALITA: FL Liza sa pagpanaw ni Pope Francis: ‘Met a saint on earth, now heaven welcomes him home’
Matatandaang noong Lunes, Abril 21, nang mamayapa si Pope Francis sa kaniyang apartment sa Domus Sanctae Marthae, Vatican City.
Nagkaroon daw ng stroke ang Santo Papa na sinundan ng coma at irreversible cardiocirculatory collapse na naging sanhi ng kaniyang pagpanaw.
BASAHIN: Pope Francis, pumanaw na sa edad na 88
BASAHIN: Pope Francis, na-coma sanhi ng stroke at irreversible cardiocirculatory collapse
Nakatakdang ilibing si Pope Francis sa Sabado, Abril 26.