May 21, 2025

Home BALITA National

FL Liza sa pagpanaw ni Pope Francis: ‘Met a saint on earth, now heaven welcomes him home’

FL Liza sa pagpanaw ni Pope Francis: ‘Met a saint on earth, now heaven welcomes him home’
Photo courtesy: FL Liza Ataneta-Marcos/FB

Binigyang-pugay ni First Lady Liza Araneta-Marcos si Pope Francis na pumanaw noong Lunes, Abril 21.

Sa isang Facebook post nitong Martes, Abril 22, nagbahagi si Araneta-Marcos ng isang larawan kasama ang Santo Papa.

“Met a saint on earth. Now heaven welcomes him home,” aniya sa kaniyang post. “Thank you, Pope Francis.”

Matatandaang dakong 7:35 ng umaga (Vatican time) nitong Lunes, Abril 21, nang mamayapa si Pope Francis sa kaniyang apartment sa Domus Sanctae Marthae, Vatican City. 

National

Sen. Robin nakapag-breakfast meeting kasama si FPRRD; standee nga lang

Anang Vatican, stroke na sinundan ng coma at irreversible cardiocirculatory collapse ang naging sanhi ng pagpanaw ng Santo Papa.

BASAHIN: Pope Francis, pumanaw na sa edad na 88

BASAHIN: Pope Francis, na-coma sanhi ng stroke at irreversible cardiocirculatory collapse

Isinapubliko rin ang spiritual testament ni Pope Francis noong 2022, kung saan hiniling niya ang simpleng libing sa kaniyang pagpanaw.

BASAHIN: Pope Francis, simpleng libing lang ang gusto — Vatican