Nagpaabot ng pagbati ang GMA Integrated News sa kaarawan ng kanilang showbiz news reporter na si "Lhar Santiago" na laging updated sa "showbiz happenings" at tagapaghatid ng mga ganap sa entertainment world.
"Maligayang kaarawan sa GMA Integrated News veteran showbiz reporter na si Lhar Santiago!" mababasa sa pagbati ng GMA Integrated News sa kanilang opisyal na Facebook page.
Ngunit nakakaloka naman ang mga komento sa comment section dahil buti na lamang daw at binasa nila ang caption.
Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:
"sino pa kinabahan bukod sakin haha"
"Kinabahan ako bigla"
"Akala ko ano nanaman e . Aba'y mauubos na sila hahaha"
"Lagyan nyo nman ng lobo next time kinabahan kame . Happy Birthday parin po "
"Pag ganito ung kuha..kinakabahan na ko hahahhaha"
"Gma kinabahan ako aayusin nyo"
"Happy Birthday po sir Lhaaarrrrr Santiago"
Walang dapat ipag-alala ang netizens dahil maayos naman ang kalagayan ni Lhar, sadyang birthday lamang niya. Maligayang Kaarawan!