April 24, 2025

Home BALITA Probinsya

Babaeng sumagip ng naaksidenteng aso, patay sa bundol ng van

Babaeng sumagip ng naaksidenteng aso, patay sa bundol ng van
Photo courtesy: Freepik

Dead on the spot ang isang 56 taong gulang na babae matapos siyang masalpok ng isang van habang inililigtas umano niya ang isang aso sa kalsada sa General Santos City.

Ayon sa General Santos City Traffic Enforcement Unit, pauwi na raw ang biktimang local government employee na sakay ng kaniyang motorsiklo ng maisapatan niya ang isang aso sa gitna ng kalsada. Huminto raw siya upang sagipin ang nasabing aso ngunit habang nakayuko umano ang biktima ay bigla itong nabangga ng paparating na van. 

Sa lakas ng impact, nayupi ang unahang bahagi ng nasabing van habang tumalsik naman ang biktima.

Samantala, ayon sa mga awtoridad, nagkasundo umano ang panig ng driver ng van at pamilya ng biktima sa hindi detalyadong halaga ng pinsala. 

Probinsya

₱200K, alok na pabuya sa makapagtuturo sa bumaril sa Koreano sa Pampanga

Naka-impound na sa Traffic Enforcement Unit ang van para sa imbestigasyon.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang impormasyon kung nakaligtas ang asong sinagip ng biktima.