Ibinahagi ni Kapuso beauty queen-actress Rabiya Mateo ang aksidenteng kinasangkutan niya matapos matamaan ng wakeboard.
Ang wakeboarding ay isang uri ng water sport na ang rider ay tatayo sa wakeboard para hilahin ng motor boat na nasa likod nito.
Sa Instagram story ni Rabiya nitong Miyerkules, Abril 23, ipinakita niya ang mga natamong pinsala sa bahagi ng mukha niya.
“Part of being adventurous is experiencing accidents. Got hit by a wakeboard. Chipped my tooth. Got some bruising and swelling on my left face,” lahad ni Rabiya.
Pero sa kabila nito, nagpasalamat pa rin siya sa Panginoon.
Aniya, “Still, life is good. Thank you, Lord!”