Matapos mapabalitang inunfollow ni Kapuso actress Kyline Alcantara ang kaniyang rumored boyfriend na si celebrity basketball player Kobe Paras, ngayon naman, ang huli naman daw ang nag-unfollow na sa Instagram account ng una.
Iyan daw ang napansin ng mga "maritime" o marites na maraming time, sa post naman ng entertainment site na "Fashion Pulis."
Sinilip mismo ng Balita ang Instagram account ni Kobe, at mapapansin ngang hindi na siya naka-follow sa Kapuso actress na bibida sa bagong Kapuso series na "Beauty Empire."

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
"Ewan ko ha pero sobrang expected naman na maghihiwalay to."
"Ok lang yan mga bata pa kayo hehehe."
"Kunwari nagulat kami hahahaha..."
"marami pa naman iba diyan better luck next time hahaha."
Samantala, wala pang kumpirmasyon sina Kobe at Kyline tungkol sa isyu.
KAUGNAY NA BALITA: Kyline Alcantara, in-unfollow na si Kobe Paras!