Niyanig ng 4.0-magnitude na lindol ang probinsya ng Agusan del Sur nitong Martes ng madaling araw, Abril 22, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Base sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 4:05 ng madaling araw.
Namataan ang epicenter nito 8 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Talacogon, Agusan del Sur, na may lalim na 54 kilometro.
Itinaas ang Intensity II sa Talacogon, AGUSAN DEL SUR, habang Intensity I naman sa City of Bislig, SURIGAO DEL SUR.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.