April 20, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Namash-up din? Ate Gay, sinabihang 'RIP'

Namash-up din? Ate Gay, sinabihang 'RIP'
Photo courtesy: Gil Aducal Morales a.k.a. Ate Gay (FB)

Kinaaliwan ng mga netizen ang ibinahaging Facebook post ng stand-up comedian na si Gil Aducal Morales o mas kilala bilang "Ate Gay" matapos makatanggap ng mga mensahe na may nakalagay na "Rest in Peace."

Sa Facebook post niya noong Biyernes Santo, Abril 18, ilang mga netizen ang nagmensahe sa kaniya at nagsabing mananatili siyang buhay sa kanilang puso at isipan.

"Maliiiiiii juskoooo Po " tanging nasabi na lamang ni Ate Gay.

Photo courtesy: Ate Gay (FB)

Si Ate Gay, ay isa sa mga impersonator ng namayapang National Artist for Film and Broadcast Arts at Superstar na si Nora Aunor, na namatay noong Miyerkules Santo, Abril 16, na ayon sa panayam ng GMA News sa anak niyang si Ian De Leon, ay dahil sa acute respiratory failure matapos sumailalim sa operasyon.

Tsika at Intriga

Ian De Leon, pamilya, nagsalita sa dahilan ng pagkamatay ni Nora Aunor

MAKI-BALITA: Nora Aunor, pumanaw na sa edad na 71

MAKI-BALITA: Lotlot De Leon, ibinahagi na ang viewing at mass details sa burol ni Nora Aunor

MAKI-BALITA: Ian De Leon, pamilya, nagsalita sa dahilan ng pagkamatay ni Nora Aunor