May 10, 2025

Home BALITA National

Balita, isa sa 'most trusted tabloids' sa bansa—survey

Balita, isa sa 'most trusted tabloids' sa bansa—survey

Itinanghal ang "Balita" bilang isa sa "most trusted tabloids" sa Pilipinas batay sa isinagawang survey ng isang research firm, mula Abril 14 hanggang Abril 16, sa respondents na 1,600 Pilipino sa buong bansa. 

Nakakuha ng 15% trust rating ang Balita, ka-tie ang Pilipino Star Ngayon, na parehong nasa pangalawang puwesto. Nanguna naman Abante na may 19%.

Sumunod naman sa Balita ang Bandera na may 11% at panghuli ang Bulgar na may 6%.

Pagdating naman sa broadsheet, nanguna ang Manila Bulletin na may 39%, na sinundan ng Philippine Star na may 15%, Philippine Daily Inquirer na may 14%, Manila Times (5%), at Business World (3%).

National

PPBM, sinigurong magbabalik bentahan ng ₱20 na bigas pagkatapos ng eleksyon

Ang Balita ay pahayagang tabloid ng Manila Bulletin.

Pinili ng Tangere ang respondents sa pamamagitan ng stratified random sampling, na may kinatawan sa National Capital Region (NCR), Northern Luzon, Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.