Kinumpirma ng isa sa mga anak ng pumanaw na National Artist for Film and Broadcast Arts at Superstar na si Nora Aunor na ang rason ng pagkamatay ng ina ay dahil sa "acute respiratory failure."
Sinabi ito ni Ian sa panayam sa kaniya ng GMA Integrated News, sa pamamagitan ni Mariz Umali, na ibinalita naman sa "24 Oras."
"Technically and clinically speaking, the cause of death was acute respiratory failure," aniya.
Sa isinagawang media conference kaugnay sa pagkamatay ng Superstar, nauna nang sinabi ni Ian na hindi totoo ang mga naunang kumalat na tsikang namatay si Ate Guy habang inooperahan sa puso.
"She did not. She was being operated on, and after that, she had a hard time breathing, and eventually all things went downhill from there, and that's why they had to do another procedure after that," aniya.
MAKI-BALITA: Ian De Leon, pamilya, nagsalita sa dahilan ng pagkamatay ni Nora Aunor