April 16, 2025

Home BALITA Eleksyon

Roque, susuportahan si Sen. Imee kahit masama ang loob

Roque, susuportahan si Sen. Imee kahit masama ang loob
Photo Courtesy: Harry Roque, Imee Marcos (FB)

Nagbigay ng pahayag si dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque matapos iendorso ni Vice President Sara Duterte si re-electionist Senator Imee Marcos.

Sa Facebook live ni Roque noong Lunes, Abril 14, sinabi ni Roque na kahit masama ang loob ay susuportahan pa rin umano niya si Sen. Imee.

“Hoy, Mangga [Sen. Imee]. Iboboto ka lang namin dahil kay Inday Sara Duterte. Do not make the mistake na nabola mo kami; na ibang klase ka; na iba ka sa ‘yong kapatid. Iisa lang kayo. Ang mangga hindi pupuwedeng magbunga ng santol,” saad ni Roque.

Dagdag pa niya, “Pero dahil nandiyan si Inday Sara na humihingi ng tulong para sa ‘yo, susuporta kami masama man ang aming mga loob. Nandiyan na po tayo, wala tayong magagawa.”

Eleksyon

'ITIM' campaign ad concept, pakana raw ni VP Sara sey ni Sen. Imee

Ayon kay Roque, may dahilan umano kung bakit sinuportahan ni VP Sara si Sen Imee. 

MAKI-BALITA: ‘Itim ang kulay ng pakikiisa!’ VP Sara, pormal nang inendorso si Sen. Imee

Matatandaang pinangunahan ni Sen. Imee ang Senate hearing hinggil sa umano'y ilegal ng pagkaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Kumalas na rin ang senadora sa senatorial slate ng administrasyon, ang "Alyansa Para sa Bagong Pilipinas."

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Imee Marcos, kumalas na sa Alyansa para sa Bagong Pilipinas

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Imee, dismayado sa ‘di pagdalo ng Cabinet officials sa hearing niya