April 16, 2025

Home BALITA National

PBBM galit sa 'bastos' na dayuhang vloggers; mga bully, lagot!

PBBM galit sa 'bastos' na dayuhang vloggers; mga bully, lagot!
Photo courtesy: Bongbong Marcos (FB)/Santi San Juan via MB

Nagbigay ng reaksiyon at komento si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. hinggil sa nag-viral na content ng dinakip na Russian vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy na nahaharap sa multiple criminal complaints.

Sa kaniyang lingguhang vlog, pabirong nasabi pa ng pangulo na baka puwede niyang murahin ang nabanggit na vlogger dahil hindi naman daw ito Pilipino.

"Marami tayong nakita sa mga lansangan nitong mga nakaraang linggo—sigawan, sindakan at pambabastos sa Pilipino," ani PBBM.

Sinong Pilipino naman daw ang hindi kukulo ang dugo sa ginawang pambabastos at pang-aasar ng mga kagaya ni Zdorovetskiy at iba pang dayuhang vloggers na ginagawang content at katatawanan ang pambubuwisit?

National

50°C na heat index, naitala sa Los Baños, Laguna

Nalulungkot ang pangulo na tila naging bahagi na raw ito ng social media para lamang makakuha ng following at views.

"Huwag tayong sasama sa ganiyang klaseng ugali," ani PBBM. "Hindi naman ganiyan ang ugaling Pilipino. Asahan ninyo 'yong mga gumagawa ng ganiyan, hindi natin pababayaan na patuloy nilang ginagawa 'yan."

Ipinagmalaki rin ni PBBM na likas na mabubuti, magagalang, mapagkumbaba, at mahaba ang pasensya ng mga Pilipino. Nalulungkot daw ang pangulo na naaabuso ang ganitong katangian ng mga Pilipino.

Tiniyak naman ni PBBM na hindi palalampasin ng pamahalaan ang pambu-bully ng mga dayuhan sa mga Pilipino lalo na sa sariling bansa.