April 15, 2025

Home BALITA Eleksyon

Larawan nina VP Sara, mag-amang Villar usap-usapan

Larawan nina VP Sara, mag-amang Villar usap-usapan
Photo courtesy: via Mark Anthony Lopez/Ethel Pineda (FB)

Kumakalat sa social media ang ilang mga larawan nina Vice President Sara Duterte at mag-amang sina businessman at dating senador Manny Villar at House Deputy Speaker, Lone District of Las Piñas City Rep. Camille Villar na tumatakbo naman sa pagkasenador.

Batay sa mga larawan, tila kuha ito sa "behind-the-scenes" ng sinasabing shoot sa campaign video ng umano'y pag-endorso ng Pangalawang Pangulo kay Villar.

Usap-usapan naman ito hindi lamang ng mga netizen kundi maging ng mga kilalang personalidad na sumusuporta kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, gaya ni Mark Lopez.

Ibinahagi niya ang mga nabanggit na larawan at kinomentuhan.

Eleksyon

Iba ang naboto? OFW sa Singapore, kinwestiyon lumabas na resulta matapos bumoto online

"Pag isipan natin ito Peeps because this is a crucial vote sa impeachment," aniya.

"To me, the family’s stand on FPRRD and VP Inday Sara Duterte is a major consideration."

"Camille Villar is key," aniya pa.

Photo courtesy: Screenshot from Mark Anthony Lopez (FB)

Matatandaang kabilang si Villar sa Alyansa para sa Bagong Pilipinas na senatorial slate ng administrasyon.

Bukod sa mga larawan nina VP Sara at mag-amang Villar, usap-usapan din ang mga larawan niya kasama naman ang direktor na si Darryl Yap at Sen. Imee Marcos, na batay sa mga usap-usapan, ay "behind-the-scenes" naman sa campaign video na pag-endorso ng Pangalawang Pangulo sa senadora.

KAUGNAY NA BALITA: Endorso? Larawan nina VP Sara, Direk Darryl, at Sen. Imee, usap-usapan

Samantala, wala pang pahayag ang kampo nina VP Sara at mga Villar tungkol dito.