April 13, 2025

Home BALITA National

Easterlies, patuloy na nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Easterlies, patuloy na nakaaapekto sa bansa – PAGASA
Courtesy: PAGASA/website

Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Linggo, Abril 13, na ang mainit na easterlies pa rin ang nakaaapekto sa buong bansa at inaasahang magdadala ng maalinsangang panahon.

Base sa ulat ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, bukod sa maalinsangang panahon ay inaasahang magdadala rin ang easterlies,  o ang mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko, ng maulap na kalangitan na may kasamang mga kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Zamboanga Peninsula, Palawan, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi.Posible ang pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa sa nasabing mga lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.

Medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms naman ang inaasahang mararanasan sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa bunsod pa rin ng easterlies.

Posible rin ang pagbaha o pagguho ng lupa sa naturang mga lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms, ayon sa weather bureau.

National

Romualdez, hinikayat mga Pinoy na magkaisa sa pagtaguyod ng 'kapayapaan' at 'kabutihan'

Sa kasalukuyan ay wala namang binabantayan ang PAGASA na anumang low pressure area (LPA) o iba pang bagyo sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).