Usap-usapan ang kasalukuyang lagay ng relasyon ng celebrity couple na sina Kyline Alcantara at Kobe Paras.
Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) noong Biyernes, Abril 11, marami umanong nakapansin sa binurang post ni Kobe sa Instagram nito.
Ayon sa mga nakapuna, 76 na lang daw ang post ni Kobe sa Instagram na dati ay 78. Dalawa umano sa binurang post ay larawan nila ni Kyline.
Ang isang larawan ay kuha sa isang restaurant sa Makati. Ang isa naman, kuha noong magbakasyon silang dalawa sa Palawan noong Disyembre 2024, kung saan makikitang nakasakay silang pareho sa isang bangka.
Sinubukan ng Balita na bisitahin ang Instagram account ni Kobe, at kumpirmado ngang wala na ang mga nasabing post bagama’t may ilan pa naman silang post na magkasama na kuha sa mga pinuntahan nilang brand events.
Bukod dito, may mga nakapansin din daw na nagbura din si Kyline ng ilang pictures nila ni Kobe. Hindi pa nga lang makumpirma kung alin sa mga ito.
Pero mahirap pa ring magsalita ng tapos hangga’t walang pahayag na inilalabas ang dalawa. Sa ngayon, naka-follow pa rin naman sila sa isa’t isa.
Matatandaang Nobyembre 2024 nang kumpirmahin ni Kobe sa isang panayam na nasa dating stage na raw sila ni Kyline.
MAKI-BALITA: Kyline haba ng hair, biggest crush ni Kobe: 'We are dating!'