March 08, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Doktor na first crush ni Kathryn, umamin din: 'First crush ko rin siya'

Doktor na first crush ni Kathryn, umamin din: 'First crush ko rin siya'
Photo Courtesy: News5 (X), Kathryn Bernardo (IG)

Nagsalita na si Dr. Kenneth Hizon na ex-classmate at first crush ni Asia’s Outstanding Star Kathryn Bernardo.

Sa eksklusibong panayam ng News5 nitong Sabado, Abril 12, inilarawan ni Kenneth si Kathryn bilang kaklase.

“Naalala ko sa kaniya is masayahin siyang tao. And 'pag nakita mo siya, siya talaga 'yong parang bright kid, gano'n. Tapos siyempre, maganda kahit bata pa lang,” saad ni Kenneth.

Dagdag pa ng binatang doktor, “To be honest, siya rin 'yong una kong naging crush.”

Kaya naman, natuwa raw si Kenneth at na-overwhelm nang malaman niyang siya pala ang first crush ng Asia’s Outstanding Star.

Relasyon at Hiwalayan

Rhian Ramos, kinumpirma hiwalayan nila ni Sam Versoza; Wil Dasovich, labas sa isyu!

Matatandaang naunang tungkol dito matapos kumalat ang video clip mula sa isang episode ng Pilipinas Got Talent kung saan inusisa si Kathryn tungkol sa kaniyang first crush.

"First ever crush ko, siguro Grade 2 ako no'n sa probinsya namin. 'Yong first ever, mestiso siya. E, ‘pag crush ko, mas lalo ko ‘yong ‘di kakausapin. [..] Ang name niya ay Kenneth,” aniya.