Usap-usapan ang lumutang na larawan ni Kapamilya actress Erich Gonzales na may kargang bata sa isang simbahan.
Sa isang Facebook post ng Kapamilya Online World noong Huwebes, Abril 10, sinabi nilang una raw nakita ang nasabing larawan sa post ng isang pari noon pang Hunyo 2023.
“Viral at usap-usapan ngayon ang litratong ito na unang nakita sa isang FB post ng isang pari kung saan isiniwalat nito na siya ang nagbinyag sa unang anak ni Erich Gonzales sa asawa nitong si Mateo Lorenzo,” saad sa caption.

Samantala, narito naman ang Facebook post ng paring si Frankie Mabanta:

Si Mateo ay isang negosyante. Kapatid niya si Basti Lorenzo na kakakasal lang kamakailan sa anak ni Dennis Padilla na si Claudia Barretto.
MAKI-BALITA: Kilalanin ang bilyonaryong mister ni Erich Gonzales na si Mateo Rafael Lorenzo
MAKI-BALITA: Dennis Padilla, binudol daw ng anak: 'Father of the bride naging visitor'
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Matagal ng nag asawa yan, expected ng my anak sya."
"Dba Masaya pag private life d lahat social media. Kaya good decision Kay Erich private life niya About sa kanya family"
"Na paka private talaga ni Erich.. kung hindi ma post nang ibang tao hindi pa malalaman..Ni respeto nya talaga ang asawa nya at pamilya nang asawa nya na gusto nang tahimik na buhay.. "
"Wala Naman masama may asawa na sya Yung iba nga nagkakanak ng wlaang asawa"
"Mema lang 'to eh May asawa si Erich kaya natural at normal lang kasi hindi kalat or pinublic? para pag pyestahan niyo? Hahaha"
"Dito mukhang happy ang parents ng guy"
"May video sa kasal ni claudia na hagip parang yong partner ni erich may dalang baby.."
"para sakin mas gwapo tong asawa ni Erich kesa dun sa asawa ni Claudia na pilit ngumiti sa kasal nila"
Matatandaang ikinasal sina Erich at Mateo sa St. James the Great Parish sa Alabang, Muntinlupa Marso 23, 2022.
MAKI-BALITA: Erich Gonzales, ikakasal na sa kanyang non-showbiz boyfriend
Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon si Erich hinggil sa naturang tsika.