Tahasang tinawag na korap ng social media personality na si Sass Rogando Sasot ang House of Representative maging si House Speaker Martin Romualdez.
Ayon sa isang quote card mula sa isang news outlet na ibinahagi ni Sasot sa kaniyang Facebook account noong Miyerkules, Abril 8, 2025, iginiit umano niya na isang karangalan daw ang mapatawan ng contempt ng korap na institusyon ng Kamara.
"It is an honor to be cited in contempt by a very, very corrupt House of Representatives led by a very, very corrupt House Speaker," ani Sasot sa naturang quote card.
Matatandaang noong Martes, Abril 8 nang ipa-contempt ng Kamara si Sasot, kasama ang ilan pang vloggers at social media personalities na sina dating spokesperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Lorraine Badoy at host sa SMNI na si Jeffrey “Ka Eric” Celiz dahil umano sa hindi nila pagsipot sa ikaapat na pagdinig ng HOR hinggil sa isyu ng disinformation.