April 15, 2025

Home BALITA Metro

Pusa, pinagpapalo ng isang lalaki; patay!

Pusa, pinagpapalo ng isang lalaki; patay!
photo courtesy: pexels

Patay ang isang pusa matapos pagpapaluin ng 31-anyos na lalaki sa Tondo, Maynila.

Inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD)- Smokey Mountain Police Community Precinct ang lalaki matapos siyang ireklamo ni Tirzah Lim, Presidente ng Humane Philippines (Animal Welfare Organization), 43, at cat owner na si alyas 'Gemma,' 26.

Noong Abril 3, 2025, dakong-alas-2:00 ng madaling araw nang umano'y paghahatawin ng stick ng suspek ang pusa ni Gemma, na nagresulta sa pagkamatay nito.

Kaagad namang nagreklamo ang cat owner na ikinaaresto ng suspek. 

Metro

Bus company na sangkot sa aksidente noong Lunes Santo, sinuspinde ng LTFRB

Reklamong paglabag sa RA 8485 o The Animal Welfare Act of 1998 as amended by R.A. 10631, ang kinakaharap ng suspek na si alyas 'Marvin,' 31, ng Tondo, Maynila.