April 10, 2025

Home BALITA Metro

LRT-1 at 2, tigil-operasyon sa mga piling araw sa Holy Week

LRT-1 at 2, tigil-operasyon sa mga piling araw sa Holy Week
Photo courtesy: LRT-1, LRT-2/Facebook

Inanunsyo ng Light Rail Transit (LRT-1 at 2) ang kanilang tigil-operasyon para sa darating na Semana Santa. 

Ayon sa magkahiwalay na Facebook posts ng LRT-1 at LRT-2, mula Huwebes Santo (Abril 17) hanggang Linggo ng Pagkabuhay (AbrIl 20) mananatiling suspendido ang kanilang pagbiyahe.

Samantala, nauna na ring inanunso ng Metro Rail Transit (MRT-3) ang suspensyon ng kanilang operasyon na mula pa rin sa Abril 17 hanggang Abril 20. 

Magbabalik ang operasyon ng MRT-3 sa Lunes, Abril 21, kung saan nakatakdang magsimula ang first trip mula 4:30 ng umaga sa North Avenue at 5:05 naman ng umaga sa Taft Avenue Station.

Metro

Grade 11 student pinilahan, ginahasa umano ng tatlong grade 12 student

KAUGNAY NA BALITA: MRT-3 tigil-operasyon sa mga piling araw ng Holy Week

Pinahihintulutan naman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagdaan ng provincial buses sa EDSA mula Abril 9, Araw ng Kagitingan at gayundin sa pagsisimula ng Holy Week.

KAUGNAY NA BALITA: MMDA, pinahintulutan pagdaan ng mga bus sa EDSA simula April 9