Kasama si Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief Nicolas Torre III sa 39 na mga pulis na tumaas ang ranggo nitong Lunes, Abril 7.
Pinasinayaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang oath-taking ceremony ng nasabing 39 Philippine National Police (PNP) officers sa Ceremonial Hall sa Malacañang.
Ayon sa Malacañang, sa naturang PNP officers ay apat sa mga ito ang Police Lieutenant Generals, 11 ang Police Major Generals at 24 ang Police Brigadier Generals.
Kabilang si Torre sa mga na-promote mula sa pagiging Police Brigadier General patungo sa pagiging Police Major General.
Dumalo si Torre sa oath-taking ceremony kasama ang kaniyang pamilya.