April 12, 2025

Home SHOWBIZ

Direk Joel Lamangan, banas sa mga artistang t*nga

Direk Joel Lamangan, banas sa mga artistang t*nga
Photo Courtesy: Screenshot from One News PH (YT)

Tahasang inilahad ni award-winning director Joel Lamangan ang pinaka-hate niya sa mga artista bukod sa pagiging late sa set.

Sa latest episode ng “The Men’s Room” noong Biyernes, Abril 4, sinabi ni Lamangan na ayaw daw niya sa mga artistang tanga.

“Paulit-ulit na lang ‘yong dialogue, hindi naman name-memorize. Hindi alam ang gagawin. Sinabi mo na nang sinabi, paulit-ulit nagkakamali,” saad ni Lamangan.

Kaya ang ginagawa na lang daw niya ay sinasabihan niya raw ang ilang artista na mas mabuti pang mag-waiter na lang.

Pelikula

Katawan ni Ivana, handang ibuyangyang sa pelikula

“May nangyari sa akin. Totoong nag-waiter,” lahad ni Lamangan. “Naglalakad ako sa Makati. ‘Direk, direk!’ May tumatawag sa akin. Paglingon ko, gwapo pa rin. ‘Direk, ako ‘yong pinagalitan mo. Ako ‘yong sinabihan mong waiter. Head waiter na ako sa Dubai.’”

Samantala, sa isang bahagi ng panayam ay pinangalanan ng direktor ang mga napagalitan niyang artista gaya nina Vilma Santos, Nora Aunor, Sharon Cuneta, Judy Ann Santos, at marami pa.