Ibinahagi ng komedyanteng si Dennis Padilla ang larawan niya kasama ang mga anak kay Marjorie Barretto na sina Leon, Claudia, at Julia.
"Miss you mga anak," mababasa sa kaniyang caption.
Bukod sa mga anak, kasama rin sa larawan ang sinasabing ina ni Dennis at lola nina Leon, Claudia, at Julia.
Hindi naman nabanggit ni Dennis kung kailan ang eksaktong araw ng pagkikita nila, subalit noong Abril 2, mukhang nagkita sina Dennis at anak na si Leon para sa kaarawan ng huli.
Sa kabila ng mga naunang hindi pagkakaunawaan, ipinahayag ng aktor ang kaniyang pagnanais na muling makasama at makausap nang masinsinan ang kaniyang mga anak.
Kaya naman, mababasa ang pagkatuwa ng mga netizen sa comment section ng post. Hangad nilang magtuloy-tuloy na nga ang reconciliation sa pagitan ng mag-aama.
"Masaya kami para sa pamilya mo Sir Dennis. Atlast natupad na din ang panalangin mo po. Love, Hope, Faith, and Pray."
"Nagkakatotoo na po yung mga drawing lang happy for you po."
"God really works and hear our prayers and these family deserve another chance."
"Happy for you Sir Dennis."
KAUGNAY NA BALITA: Para sa mga anak: Dennis Padilla, makikipag-ayos na raw kay Marjorie Barretto