April 18, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Mika Salamanca, naiyak nang ma-red flag ng kapwa PBB housemates

Mika Salamanca, naiyak nang ma-red flag ng kapwa PBB housemates
Photo courtesy: Screenshots from Pinoy Big Brother (FB)

Usa-usapan ang pagiging emosyunal ng social media personality at Kapuso artist na si Mika Salamanca matapos makakuha ng pinakamababang puntos sa task ng celebrity housemates sa "Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition," para sa pagpili ng bagong makaka-duo.

Sa bagong patakaran ni Kuya, magkakaroon ng reshuffle sa Kapuso at Kapamilya housemates na magka-duo, subalit gagawin ito sa pamamagitan ng isang task.

Si Mika ang nakakuha ng pinakamababang ranking matapos makapagtamo ng pinakamababang average score na "2.0" at nakakuha ng "red flag" dahil daw sa rason na nakikita ng maraming housemates na hindi pa siya ganap na nagpapakatotoo sa loob ng Bahay ni Kuya.

Mahahalata naman kay Mika na pinipigilan niyang maiyak sa harapan ng housemates nang tumayo na siya sa harapan at kunin ang red flag.

Tsika at Intriga

Ian De Leon, pamilya, nagsalita sa dahilan ng pagkamatay ni Nora Aunor

"Favorite color," biro na lamang niya. 

Matapos ang anunsyo ay tumayo si Mika at dumiretso sa kuwarto ng female housemates, at dito na bumuhos ang kaniyang emosyon. To the rescue naman para sa kaniya ang celebrity house guest na si Michelle Dee, na inalo siya.

Ayon kay Mika, nalulungkot siya na 2.0 ang nakuha niyang average score gayong 3 ang ibinigay niyang puntos para sa lahat. 

Matatandaang naging kontrobersiyal si Mika matapos masangkot sa iba't ibang isyu noong hindi pa siya pumipirma bilang Sparkle artist.

MAKI-BALITA: Renz Saavedra, humingi ng tawad kay Mika Salamanca dahil sa mga maling akusasyon

MAKI-BALITA: Mika Salamanca, inokray na mukhang 'Avatar' dahil sa niretokeng ilong; bumwelta sa bashers

MAKI-BALITA: Mika Salamanca, hindi na raw affiliated sa isang kompanyang may isyu

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"i felt so sad for mika, standing in front of everyone while their eyes are fixated on her while being pronounced as the red flag with a score of 2.0 (the lowest score) really gives her the valid point to walk out right after and cry her heart out. if i were in mika's position knowing i gave everyone 3pts, i'd probably cry or breakdown while standing, holding the red flag. the walk of shame is real."

"you will have your shining moment miks, sending you consensual hugs!"

"Michelle Dee immediately comforts her... buti na lang nandiyan siya."

"I felt so awful for her to be honest may isa pang housemate ang mas deserve ng red flag kesa sa kanya eh, hulaan niyo na lang kung sino."

"Hindi naman kailangan ipakita yung lahat ng sides especially nasa tv cam sila, they just need to be genuine. Mali ung concept 'sino ang nag papaka totoo s knila' kasi s trabaho talagang kailangan mo ng multiple faces so you can avoid people that might hurt you in the process."

"We all want Michele Dee as a friend. I remember I had the same experience when I was in college.. no one in my group of friends comforted me. But what amazes me is that i never cried and never even feel pity for myself, nasabi ko nalang na sarili mo lang tlga ang makakatulong sa sarili mo.."

Samantala, kapana-panabik kung ano ang mga susunod na mangyayari at kung magkakatensyon ba sa loob ng Bahay ni Kuya dahil dito.