Agad na humingi ng dispensa ang content creator at social media influenncer na si Renz Saavedra sa kapwa social media personality na si Mika Salamanca dahil sa nagawang tweet na nag-aakusang Marcos apologist ito at deserve na makulong sa Honolulu, Hawaii, dahil sa paglabag umano sa quarantine protocol noong 2020.

Ayon sa buradong tweet ni Saavedra nitong Nobyembre 23 ng madaling-araw, "Mika Salamanca n 'yo Marcos apologist. Yikes. (Deserve yung kulong sa Hawaii, charot)".

Nakaabot ito sa kaalaman ni Salamanca sa pamamagitan ng YouTube vlogger at influencer manager na si Matt Nicolai Guillermo na agad na nag-call out kay Saavedra.

"Etong si @SirRenzSaavedra ang perfect fit for Cyber Libel case. Oh I'll post this para sa ebidensya ah? Baka itangi mo soon," ayon sa kaniyang tweet, kalakip ang screengrab ng tweet ni Saavedra. Kitang-kita naman na nagkomento rito si Salamanca.

Tsika at Intriga

Valentine, dinogshow si Maris: 'Kailangan talaga OOTD si Sadness?'

"Context naman mars, kailan at saan? Yikes."

Screengrab mula sa Twitter/Matt Nicolai Guillermo

Image
Screengrab mula sa Twitter/Matt Nicolai Guillermo

Kaya naman nag-tweet din sa Salamanca na mag-fact check muna si Saavedra bago siya pukulin ng kung ano-anong mga akusasyon na wala namang batayan. May mga netizen na nag-uudyok sa kaniyang sampahan ng cyber libel case si Renz.

"Ahm… fact-check muna kaya? Fact #1 fake page yung tinutukoy mo, Fact #2 hindi ako nakulong sa Hawaii."

"Hindi nagfa-fact check. Yikes," tweet ni Mika nitong Nobyembre 23 ng hapon.

Screengrab mula sa Twitter/Mika Salamanca

Screengrab mula sa Twitter/Mika Salamanca

Agad namang nag-sorry si Renz kay Mika at agad na tinanggal ang malisyosong tweet umano laban kay Mika.

"I just want to sincerely apologize to @mikslmnc for my tweet about her being a Marcos apologist, I just saw a video of her on TikTok and I wasn’t able to check if that’s her real account," ayon sa kaniyang tweet nitong gabi ng Nobyembre 23.

"It was an honest mistake po, I’ll be more careful next time. I’m sorry po ulit."

Humingi rin siya ng dispensa kay Guillermo at sa iba pang mga follower ni Salamanca.

"Also to Sir @SiMattNicolai and all the fans of Mika and H2w, sorry for being impulsive and insensitive. I won’t justify what I did nor try to get out of this without taking accountability. I’m really sorry."

Screengrab mula sa Twitter/Renz Saavedra

Ang tinutukoy ni Saavedra ay ang naging isyu ng paglabag ni Salamanca sa quarantine protocols sa Honolulu, Hawaii noong 2020, subalit hindi naman siya nakulong.

Screengrab mula sa Twitter/Mika Salamanca

Samantala, wala pang pahayag si Salamanca kung sasampahan ba niya ng kaso si Saavedra o tatanggapin niya ang paghingi nito ng paumanhin.