April 02, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Mikee Quintos, Paul Salas hiwalay na!

Mikee Quintos, Paul Salas hiwalay na!
Photo Courtesy: Screenshot from Fast Talk with Boy Abunda via GMA News Online, Mikee Quintos (IG)

Kinumpirma ni Kapuso actress Mikee Quinto na hiwalay na sila ng boyfriend niyang si Paul Salas.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Martes, Abril 1, sinabi ni Mikee na pinag-isipan niya raw mabuti kung isasapubliko niya ang tungkol sa breakup nila ni Paul.

“Honestly, before today, pinag-iisipan kong mabuti kung magsasabi na ako sa public. Kung hindi, mahirap 'to for me," saad ni Mikee.

Ayon sa kaniya, hindi pa raw niya maibahagi ang lahat ng detalye tungkol sa nangyaring hiwalayan dahil hindi pa raw siya okay at handa.

Relasyon at Hiwalayan

Aira Lopez pinalagan netizen na nagsabing magtatay sila ni Mark Leviste

"Shocking for me lahat ngayon. Shocking. A month ago na 'yung nag-start kaming mag-usap about this decision,” ani Mikee.

Dagdag pa ng aktres, “And ngayon, nagiging clear sa amin na ito nga 'yung tama for us. Mutual naman na decision 'to."

Bukod dito, nilinaw din ni Mikee na wala raw sangkot na third-party sa breakup nila ni Paul.

Sa ngayon, ipinauubaya na lang daw muna niya sa Diyos kung iaadya Nitong sila pa rin ni Paul ang magkatuluyan sa dulo.

Matatandaang Mayo 2022 nang aminin ni Paul sa program segment na 'Pasabog Na Chika' na nasa dating stage na umano sila ni Mikee

Pero una nang lumutang ang tsikang nagkakamabutihan sila nang masipatan umano silang nagbabakasyon sa isang beach resort noong Disyembre 2021 kasama ang kani-kanilang mga pamilya.

MAKI-BALITA: Paul Salas, may ibinuking tungkol sa kanila ni Mikee Quintos