Nagpaabot ng pasasalamat si senatorial aspirant Bam Aquino kay Senate President Chiz Escudero para sa tiwala nito at suporta sa kaniyang kandidatura.
Sa isang Facebook post ni Aquino nitong Martes, Abril 1, sinabi niyang isa raw pribilehiyo na makatrabaho niya ang isa sa mga best senator ng Pilipinas.
“Mahalaga ang naging role ni Sen. Chiz bilang kakampi natin sa pagpasa ng batas para sa Libreng Kolehiyo noong siya ang pinalit sa akin bilang Chairman ng Committee on Education,” saad ni Aquino.
Dagdag pa niya, “At sa pagbabalik natin sa Senado, makikipagtulungan tayo na tutukan ang mga mahahalagang bagay na hinaharap ng bawat pamilyang Pilipino.”
Matatandaang sa isang panayam noong Mayo 2024 ay sinabi ni Aquino na muli siyang kakandidato upang tutukan ang isyu sa presyo ng bilihin at sweldo.
MAKI-BALITA: Bam Aquino, tatakbong senador sa 2025: 'Naghahanda na kami'