Tatakbong senador sa 2025 midterm elections si dating Senador Bam Aquino.

Kinumpirma ito ni Aquino sa kaniyang panayam kay Karen Davila sa ANC Headstart nitong Martes, Mayo 14.

National

Rep. Cendaña sa pag-endorso ng impeachment: ‘Isara na ang bangungot na dulot ni Sara!’

“Naghahanda na kami at handa na rin akong bumalik sa larangan ng politika. Handa ako maging boses ng walang boses sa Senado. I’m ready and we’re preparing for it,” anang dating Senador.

“What made you decide to run again?” tanong ni Davila.

“Makikita mo ‘yung bansa natin ang daming kababayan natin pakiramdam nila hindi sila napapakinggan. Nag-aaway ‘yong mga partido, ‘yong pag-focus ngayon sa presyo ng bilihin, sa [pag]taas ng sahod hindi talaga siya nabibigyan ng pansin,” sagot ng dating senador.

“I think more people who want to bring back the issues doon sa pangangailangan ng taumbayan, need to engage and be part of political process,” dagdag pa ni Aquino.

Tatakbo si Aquino sa ilalim ng bagong political party na Katipunan ng Nagkakaisang Pilipino (KNP), na kaniyang pamumunuan.

Matatandaang hindi tumakbong senador noong 2022 elections si Aquino dahil siya ang tumayong campaign manager ni dating Bise Presidente Leni Robredo nang tumakbo itong pangulo sa naturang eleksyon.