April 01, 2025

Home SHOWBIZ Pelikula

Kita ng pelikula ng KimPau, umabot na sa ₱40M!

Kita ng pelikula ng KimPau, umabot na sa ₱40M!
Photo Courtesy: Star Cinema (IG)

Nagpaabot ng pasasalamat ang Star Cinema sa tiwalang ibinigay ng fans sa pelikula nina Kapamilya stars Kim Chiu at Paulo Avelino.

Sa latest Instagram post ng naturang movie outfit nitong Linggo, Marso 30, inanunsiyo nilang umabot na umano sa ₱40 milyon ang kita ng “My Love Will Make You Disappear.”

‘My Love Will Make You Disappear’ has earned Php40 MILLION at the Philippine box office as of March 29th and $200k at the North American box office on its first day of commercial release!” saad sa caption.

Mapapanood pa rin hanggang ngayon ang pelikula sa mga sinehan hindi lang sa Pilipinas kundi worldwide!

Pelikula

Paulo Avelino, matagal nang fan ni Kim Chiu: 'Bata pa lang ako'

Matatandaang unang naiulat ang tungkol dito sa kauna-unahang pelikula ng KimPau noong Oktubre 2024, na talagang namang in-anticipate ng fans.

MAKI-BALITA: Pelikula nina Kim, Paulo sinisimulan nang gawin